Tuesday, December 05, 2006

Team Building

Elow

Nag team building kami last weekend sa Pansol, Laguna. All in all, 27 kami na pumunta sa outing. Dami noh? For me , nag-enjoy naman ako. saya-saya! =)

Syempre, pagdating namin dun... relax muna sandali.. yung mga naka-tokang magluto.. nag-setup na for dinner... at dun namin nalaman na naiwan pala namin yung mga groceries na binili namin for the trip sa office. =) hahaha. ayos di ba? nag-grocery pa tuloy sila ulit dun sa may Waltermart ba yun?

Anyway...ayun.. dinner was great! dami food!! hehe.. busog ako.. mga pitong beses ako nabusog. yummy!!

After that.. swimming na! Si chow, may hi-tech sya na digi-cam na waterproof!! ang galing galing talga!! hahaha. kung ano ano ginawa namin na pagkuha ng pic sa tubig.. aliw! Syempre, simula na rin ang inuman! wooohooo... at syempre medyo nalasing ako dba?

Which leads me to the part na medyo natakot ako.. kasi... sa habang umiinom ako.. bigla na lang ako nakaramdam ng pain sa chest ko... para bang ndi ako makahinga na ewan... sobrang sakit talga!! as in... taposdi ko na talaga kaya.. humiga na ako... takot na nga yung isa kong kasama.. gusto na daw ako isugod sa Manila.. hehe.. syetness.. Heartburn daw pala ang na nangyari sa akin.. cguro sobrang daming alak... puro acid.. di kinaya ng body ko.. ayun.. Naging ok na rin naman ako after several hours... mabait yung mga kasama ko.. inalagaan ako.. =)

Ayun... after ko gumaling.. swimming ako hanggang 8:00 am ng umaga.. tibay ko dba? hehe. Tapos brunch na.. hotdog and chicken sandwich! tapos ayun... ligo na... and then time to head home... Summary lang yung kwento ko.. dami pa katatawanan na nangyari.. hehe.. ay.. tapos sbux pala kami habang pauwi =) konti na lang.. buo ko na yung planner! yipeee!!!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

Links to this post:

Create a Link

<< Home